For Filipinos only, tawa naman d’yan!

I got this from my inbox and I would like to share it with you (to soften the harsh realities of life). This is mostly in Pilipino, the national language of the Philippines. For our foreign readers, you can ask your favorite Filipino friend for a translation. Happy reading, kabayan! Mabuhay ka!

NOON: Ang presidential pardon hinihiling sa pangulo
NGAYON: Ang presidential pardon iniaalok ng pangulo

NOON: Ang nahatulang kriminal diretso sa Bilibid
NGAYON: Ang nahatulang kriminal diretso sa rest house

NOON: Ang Christmas gift, masayang ibinibigay sa mga bata
NGAYON: Ang Christmas gift, palihim na ibinibigay sa matatanda
(governors and congressmen ang tawag sa kanila

NOON: Sa lalawigan, ang bulkan sumasabog
NGAYON: Sa siyudad, ang mall sumasabog

NOON: Kapag may sumabog na bomba, dagsa ang aktibista sa kalsada
NGAYON: Kapag may sumabog na bomba, deadma! Dagsa ang tao sa Mall of
Asia! May 3-day sale!

NOON: Ang opisyal ng Comelec, sinusuhulan
NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nanunuhol

NOON: Ang opisyal ng Comelec nagbibilang ng boto
NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nagbibilang ng balato

NOON: Ang presidente… kinatatakutan, iginagalang at minamahal
NGAYON: Ang presidente… kinatatakutan

NOON: Ang First Lady… either “sobrang kinasusuklaman” or “sobrang minamahal”
NGAYON: Ang First Gentleman… !*#%(*&@j?Y%$#*8$#9o{x%$#$@B!!

NOON: Kapag namatay ang pangulo, pinapalitan ng pangalawang pangulo
NGAYON: Kapag namatay ang pangulo… snap elections na lang!

NOON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, naliliwanagan
NGAYON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, nagagalit,
gustong sumama sa rally

NOON: Naging uso – sari-saring produkto may lycopene
NGAYON: Usong-uso – sari-saring produkto, may formalin

NOON: Ang pulis, sumbungan ng mga biktima ng krimen
NGAYON: Ang pulis, isinusumbong ng mga biktima ng krimen

NOON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino.
NGAYON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino – ang referee.

NOON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa baha.”
NGAYON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa billboard.”

NOON:Kapag ang dalawang matinee idol nachismis na bakla, asahan mo…promo langyan sa pelikula.
NGAYON
: Kapag ang dalawang matinee idol nachismis na bakla, asahan mo… totoo!